Paghahati ng Asya

Project EASE ARALING PANLIPUNAN 2 Modyul 7: Ang Paglaganap ng Kolonyalismo at Simula ng Imperyalismo sa Asya
  |  Educational level: Year II

Description: 
Ang unang bahagi ng panggagalugad ng mga Europeo kung ating susuriin sa makabagong pananaw ay panahon din ng pagtuklas ng mga Kanluranin sa kanilang sarili sa aspetong pangkulturang pamumuhay, pagbabalanse ng kanilang mga paniniwala, at pagsusuri ukol sa kanilang mga katutubong kaalaman ukol sa mundo, sa tao, at sa hinaharap. Ipinagpatuloy nila ang pagtuklas sa mga yamang-mineral ng Asya at pagpapairal ng sistemang merkantilismo upang patuloy nilang pagkunan ng mga hilaw na materyales ang mga bansa sa Asya at ikonberto ang mga ito bilang malaking pamilihan ng kanilang mga sobrang produkto gawa. May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito: Aralin 1: Ang Iba’t Ibang Mukha at Teorya ng Imperyalismo, Aralin 2: Ang Paghahati ng Asya, Aralin 3: Resulta at Epekto ng Imperyalismo sa Asya