katangian ng kapaligirang pisikal sa mga rehiyon ng Asya

Project EASE ARALING PANLIPUNAN 2 Modyul 1: Heograpiya ng Asya
  |  Educational level: Year II

Description: 
Sa pag-aaral ng kasaysayan, mahalagang maunawaan ang kaugnayan ng heograpiya sa kasaysayan at kultura ng mga tao sa mga bansang Asyano. Ang heograpiya ay nagmula sa dalawang salitang Griyego – ang geo (daigdig) at graphein (magsulat). Ito ay nangangahulugan ng paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa. Ang heograpiya ay maraming kinukuhang datos sa iba’t ibang agham pisikal, bayolohikal, at sosyal. Ito ay nagbibigay liwanag sa pagkakaayos o distribusyon ng bawat pangyayari at kahulugan nito sa paninirahan ng tao sa isang pook. Sa pagunawa sa simula ang mga yamang-lupa ay nakapagbigay sa historyador ng mga kabatiran kung paano ginagamit ang mga ito. May tatlong araling inihanda para sa iyo: Aralin 1: Ang Katangiang Pisikal Aralin 2: Mga Rehiyon Sa Asya Aralin 3: Mga Pinagkukunang Yaman